Read Pinoy Komiks - Penlab

< Penlab 

| You are reading: 

Ating Ili: Addalom

 - 

< Prev

 | 

Next >

Read the next release

Episode NaN

Ating Ili: Addalom

Writer/s:

Artist/s:

Ano nga ba ang Mito? Maaaring nakita mo na sila, maaaring hindi. Maaaring naramdaman mo na, maaaring hindi-- mga tikbalang, white lady, manananggal, kapre, tiyanak, dwende. Mga nilalang na laman ng mga kwento ng salinlahi. Walang tiyak na patunay na sila'y nabubuhay, hanggang isang araw, may nakahuli-- isang kongkretong patunay sa wakas. Kumalat ang balita sa buong bayan na tila apoy sa kagubatan, at nagsimula ang dakilang pagtugis. Lahat ay nag-asam na makahuli ng isa, sa kani-kanilang kadahilanan-- upang alipinin, pag-aralan, usisain. Ngunit ang iba ay nais silang protektahan. Ang kanilang mga hilagyo ay inilagay sa mga sisidlan-- mga mekanikong katawan na nilulubos ang kanilang mga kakayahan. Pero sadyang lason ang dulot ng pagnanasa ng ilan, sa kapangyarihang taglay ng mga nilalang. Ang orihinal na mga hangarin ay nahadlangan at isang trahedya ang tumapos sa una sana'y magandang hangarin para sa kanila. Bagaman nagmula sa trahedya, ito naman ang nagbigay daan, upang sila'y mapunta sa pangangalaga ng mga patnugot-- ang kanilang mga naging gabay sa kanilang bagong buhay. Ngunit ano nga ba ang naghihintay na bukas para sa kanila? Matatanggap ba sila sa lipunang minsan nang binalot ng takot at paniniwalang sila ay mananatiling iba?

for the latest updates.

to support the creators.

PG

Share Ating Ili: Addalom on

All Releases

by release date